crowbhabesのブログ

日本の一般的な家庭料理をタガログで分かりやすく紹介します。

LABANOS STEAK

Ang karaniwang Labanos dito sa Japan ay matataba at mahaba. Kaya kapag bumili ka ng buong Labanos ay hindi mo ito maluluto ng isang lutuan sa sobrang laki nito. Meron din namang nabibiling putol na ngunit may kamahalan kung ikukumpara sa buo. Isa pa syempre mas sariwa kung buo ang bibilhin mo.


Isa ito sa mga pangunahing gulay sa panahon ng taglamig. Kinakain din ang dahon nito at kadalasan ay bukod na niluluto.

Kapag may natirang Labanos ay balutin ng food wrap ang parte kung saan ito pinutol saka balutin ng diaryo ang kabuuan nito at ilagay sa ref ng patayo. Kung may dahon naman ang natirang bahagi nito ay putulin ang dahon at bukod na balutin ng diaryo. Tandaan lamang na huwag itatago sa ref ng nakakabit ang dahon dahil madaling malanta ang Labanos. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit diaryo ang ipinangbabalot ko. Kapag plastik kasi ang ipinangbalot ay madaling mabulok ang gulay. Hangga't maaari ay sikapin nyong ubusin ang natira sa loob ng 1 linggo lamang.

KATSUO BUSHI (dried fish flakes)
Ang katsuo bushi ay kilala rin sa tawag na "Okaka"
Ito ay gawa sa isdang kamag-anakan ng Tambakol, Tulyasan at Tulingan na binuro at pinausukan. Kakaiba ang lasa nito dahil sa taglay nitong inosinic acid.

Ang karaniwang nabibili nito ay yong naka shaved na katulad ng nasa picture. Ngunit ang tradisyonal na "Katsuo Bushi" ay nabibili ng buo pa at sini shave ito o kinakatam ayon sa dami ng gagamitin sa pamamagitan ng pang katam nito na kung tawagin ay "Katsuo Kezuribushi".
Dalawang klase ang "Katsuo Bushi".

1.) Yong malalaki ang flakes ay ginagamit sa paggawa ng "Dashi" (Japanese soup stock)
2.) Ang isa naman ay yong tinatawag na "Hana Katsuo Bushi". Ito naman ay ginagamit na pang toppings sa mga luto ng putahe.

MEN TSUYU

Para sa mga hindi pa alam kung ano ang "Men Tsuyu", ito ay pinaghalong "Dashi, Toyo, Osake at Mirin". Medyo matamis ang lasa nito. Karaniwan itong ginagamit sa pagluluto ng mga noodles, katulad ng "Soba, Udon, Hiyamugi Soumen" at marami pang iba. Ginagamit din ito sa pagluluto ng mga ulam bilang panimpla at ito din ay karaniwang ginagamit na sawsawan ng "Tempura".

LABANOS STEAK

Mga Sangkap: (3 tao)

1/2 pc Labanos
2 pls. Hana Katsuo Bushi
6 tbsp. Men Tsuyu
3 tbsp. Tubig
1 tbsp. Mantika

Paraan ng Pagluluto:

1.) Hugasan at balatan ang labanos. Putulin ng pabilog, 2 cm ang kapal. Para pumasok sa loob ng labanos ang lasa ay kailangang lagyan ito ng hiwang mababaw lang magkabila. Gayahin ang nasa picture.

2) Ilagay sa microwaveable bowl ang labanos at takpan ng food wrap.

3) Isalang sa microwave oven, 600℃ ang init sa loob ng 3 minutos.

4) Painitin ang mantika sa kawali at ipirito ang labanos, kabilaan.

5.) Matapos ipirito ang labanos magkabila ay ilagay ang men Tsuyu at tubig at pakuluin sa pinakamahinang apoy sa loob ng 10 minutos. Takpan habang pinapakuluan. Kung wala kayong microwave oven ay gawing 15 minutos ang pagpapakulo para siguradong lumambot ang labanos.

6) Kapag natuyu na ang sabaw ay alisin ang takip at lakasan ng bahagya ang apoy para maiga. Budburan ng Katsuo Bushi magkabila.

7) Hanguin sa apoy at ilagay sa plato at ihain.


Note:
Siguradong magugustuhan nyo ito.

POT-AU-FEU (potofu)

Ang recipe na ito ay nagmula sa France. Dito sa Japan, niluluto ito kadalasan kapag malamig na ang panahon. Dahil sa super busy ang umaga ng mga sambahayan dito sa Japan, Isa ito sa mga paborito dahil sa napakadali nitong lutuin. At hindi nyo na kailangang bumili pa ng mga sahog para dito, dahil pwede nyong ilagay dito yong mga tira-tirang gulay sa ref ninyo. Bukod sa masustansya ito ay masarap pa kaya paborito lalo na ng mga sambahayang may mga batang hindi mahilig kumain ng gulay. Maraming iba't-ibang recipe ang Pot-au-feu, sa ngayon ay yong pang almusal na siyang pinakamadaling lutuin ang lulutuin natin.

Mga Sangkap:(3 tao)

5 pcs. Sausages
1/2 pc. Carrot
1/8 pc. Cabbage
10 pcs. Baguio Beans
1 pc. Onion
1/2 pk. Mushrooms
2 pcs. Consommé or Pork Cubes
Salt & Pepper
600 ml. Tubig

Paraan ng Pagluluto:

1) Hugasan at hiwain ang mga sangkap tulad ng nasa picture.

2) Pakuluin ang tubig at tunawin dito ang consommé.

3) Ilagay ang lahat ng sangkap at pakuluan sa loob ng 5 minutos.

4) Ayusin ang timpla sa pamamagitan ng salt & pepper.

5) Hanguin sa apoy, ilagay sa mangkok at ihain sa mesa. Kainin ito habang mainit pa.

GINISANG NIRA AT BEAN SPROUTS

Para sa mga hindi alam kung ano ang nira.

Mabibili ito sa mga supermarkets sa buong Japan. Kamag-anakan ito ng Negi (green onions) at garlic. Kilala ito bilang isang gulay na pampalakas ng katawan dahil sa mga sustansyang taglay nito. Maganda din ito sa buhok, mata at balat. Mataas ang porsyento ng Vitamin C at Beta Carotene nito. Meron din itong Vitamin E, Vitamin K, B1, B2, B6 at Niacin. Bukod pa rito ay nagtataglay din ito ng Folic acid at Pantothenic acid. Kilala rin ito sa taglay nitong mga mineral na Calcium, Potassium, Magnesium, Posphorus at Iron. Meron din itong fiber. Kaya kung kailangan nyo ng stamina ay kumain lang kayo ng NIRA.

Mga Sangkap:(3 tao)

150 gms. Giniling na Baboy
1 pk. Nira
1 pk. Bean Sprouts
1 pc. Sibuyas
3 pcs. Bawang
1/2 tbsp. Patis
1 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Mantika
Salt & Pepper

Paraan ng Pagluluto:

1) Hugasan at hiwain ang mga gulay.

2) Maglagay ng mantika sa mainit na kawali at igisa ang bawang sibuyas at giniling na baboy. Timplahan ng salt & pepper at patis.

3) Kapag medyo luto na ang giniling ay isamang igisa ang nira.

4) Sa huli ay isama ang bean sprouts. Timplahan ng soy sauce at oyster sauce. Haluing mabuti saka hanguin sa apoy. Ilagay sa plato at ihain sa mesa.

NIKU DYAGA

f:id:crowbhabes:20190104095144j:image

 

Isa sa pinaka madaling lutuing lutong bahay ng Japan.

 

Mga Sangkap: ( 3 tao )

150 gms. Baboy (manipis na hiwa)

3 pcs. Patatas

1 pc. Carrot

1 pc. Sibuyas

1 tbsp. Soy Sauce

1 tbsp. Osake

2 tbsp. Mirin

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1) Hiwain ang mga sangkap katulad ng nasa picture.

f:id:crowbhabes:20190104094121j:image

 

2) Ilagay sa sauce pan ang mga sankap. Unahin sa ilalim ang sibuyas at isunod ang carrot at patatas. Ipatong sa ibabaw ang baboy.

 

3) ibuhos sa ibabaw ang soy sauce, osake at mirin.

 

4) Takpan at isalang sa pinakamahinang apoy sa loob ng 10 minutos o hanggang sa maluto ito. Haluin paminsan para maayos ang lasa at para hindi masunog ang ilalim.

 

OVEN GRILLED SNAPPER

HAPPY NEW YEAR!!!

 

f:id:crowbhabes:20190103121134j:image

 

Maaari kayong gumamit ng kahit na anong isdang buo basta’t puti ang laman nito. Kung hindi kayo marunong maglinis ng isda ay mas mabuti kung linis na ang isdang bibilhin nyo. Sa recipe na ito ay gumamit ako ng 3 kulay ng bell pepper (red, yellow and green). Maaari nyo itong palitan ng iba’t-ibang klase ng mushrooms. Katulad ng shiitake, enoki, shimeji at eringi mushrooms.

 

Mga Sangkap:

 

5pcs. Isdang buo ( ang bilang ng isda ay depende sa bilang ng inyong sambahayan.

Magic Salt ( may halong herb) kung ayaw nyo ng lasa o amoy ng herb ay pwede rin ang salt & pepper.

1pc. Sibuyas

1/2pc. Red Bell Pepper

1/2pc. Yellow Bell Pepper 

1/2pc. Green Bell Pepper 

10pcs. Baguio Beans 

2tbsp. Olive Oil 

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1) Linisin ang isda at budburan ng magic salt o di kaya ay salt & pepper. Hayaan ng mga 10 minutos.

f:id:crowbhabes:20190103123507j:image

 

2) Hiwain ang mga gulay katulad ng nasa picture.

f:id:crowbhabes:20190103123631j:image

 

3) Painitin ang oven sa 200℃ ang init. Medyo matagal ang pagpapainit ng oven kaya mas mabuting unahin na itong painitin.

f:id:crowbhabes:20190103123756j:image

 

4) Lagyan ng cooking sheet ang oven tray. Kung walang tray ang microwave oven ninyo ay maaari kayong gumamit ng microwaveable plate. Ilatag sa ilalim ang sibuyas, isunod ang bell pepper at baguio beans. Budburan ng magic salt o di kaya ay salt & pepper at buhusan ng 1tbsp olive oil.

 

5) Punasan ang isda ng paper towel at ipatong ito sa ibabaw ng mga gulay. Buhusan sa ibabaw ng 1 tbsp olive oil .

f:id:crowbhabes:20190103124618j:image

 

6) Kapag mainit na ang oven ay isalang na ang tray at i set ng 30 minutos. Mag-ingat sa pagsalang ng tray at baka kayo ay mapaso.

 

 

 

 

CHICKEN DONBURI

f:id:crowbhabes:20181228091753j:image

Para sa mga working Mom na kulang sa oras para magluto ng Ilang putahe sa hapunan ay magandang idea ang Donburi. Bukod sa isang putahe lng ang lulutuin nyo, tipid pa sa hugasin.

 

Mga Sangkap: (para sa 3 tao)

300 gms. Hita ng manok ( boneless, bite size )

1 1/2 tbsp. Soy Sauce

1 1/2 tbsp. Osake

1/2 tsp. Ginadgad na Luya

1 tbsp. Cornstarch 

2  pcs. Green Onions 

1 tbsp. Sesame Oil

180 gms. na Kanin

 

Ibabad ang manok sa pinagsamang soy sauce, osake, ginadgad na luya at cornstarch sa loob ng 10 minutos.

 

Sweet & Sour Sauce:

2 tbsp. Soy Sauce

2 tbsp. Vinegar

1 tbsp. Sugar

1/2 tsp. Sesame Oil

5 gms. Green Onion

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Magbukod ng 5 gms. na green onion at gayatin ng manipis na pahilis ang natira.

 

f:id:crowbhabes:20181228094018j:image

 

2.) Hiwain ng pino ang ibinukod na 5 gms. na green onion.

 

f:id:crowbhabes:20181228094321j:image

 

3.) Pagsamahin sa isang bowl ang mga sangkap ng sweet & sour sauce at isama dito ang hiniwa ng pinong green onions.

 

f:id:crowbhabes:20181228094614j:image

 

4.) Maglagay ng 1 tbsp. sesame oil sa mainit na kawali at ipirito ng kabilaan dito ang ibinabad  na manok. Huwag isasama ang pinagbabarang sarsa. Kapag luto na ay hanguin sa apoy.

 

f:id:crowbhabes:20181228095018j:image

 

5.) Bawasan ang natirang mantika sa kawali. Igisa dito ang green onions na hiniwa ng pahilis.

 

f:id:crowbhabes:20181228095422j:image

 

6.) Maglagay ng mainit na kanin sa malaking mangkok. Ilatag sa ibabaw ng kanin ang ginisang green onions at sa ibabaw nito ay ipatong ang piniritong chicken saka buhusan sa ibabaw ng sweet & sour sauce. Kainin habang mainit pa

 

 

 

 

MATAMIS NA KALABASA

f:id:crowbhabes:20181222105047j:image

Isa sa mga kilalang sustansya ng kalabasa ay ang carotene, na kahit sa init ay hindi nasisira o nababawasan ang sustansya nito. Meron din itong vitamin A, C at E, huwag ding kalimutang meron ding Fiber ito. Hindi na kailangang sabihin na maganda sa katawan ito lalo na sa mata.

 

Mga Sangkap: (para sa 3 tao)

 

300 gms. Kalabasa

20 gms. Butter

1 tbsp. Honey

1 1/2 tbsp. Powdered Cheese 

Salt & Pepper 

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Balutin ng food wrap ang kalabasa at isalang sa microwave oven. 500W sa loob ng 2 minutos.

 

f:id:crowbhabes:20181222111446j:image

 

2.) Palamigin ng kaunti at hiwain.

 

f:id:crowbhabes:20181222111546j:image

 

3.) Isalang sa apoy ang kawali. Lusawin ang butter sa mahinang apoy. Ihalo ang honey.

 

f:id:crowbhabes:20181222111824j:image

 

4.) Hinaan lang ang apoy para hindi masunog ang butter at honey. Ipirito dito ang kalabasa, baliktaran.

 

f:id:crowbhabes:20181222112201j:image

 

5.) Timplahan ng salt & pepper at powdered cheese.

 

f:id:crowbhabes:20181222112421j:image

 

6.) Hanguin sa apoy at ilagay sa plato. Masarap ito mainit man o malamig.