crowbhabesのブログ

日本の一般的な家庭料理をタガログで分かりやすく紹介します。

GYUDON (牛丼)

f:id:crowbhabes:20181220100424j:image

 

Para sa mahilig mag Yoshinoya!! Napakadaling lutuin!

Gagamit tayo dito ng “Ito Konyaku” O di kaya ay “Shirataki”. Kung hindi nyo gusto ang lasa nito ay maaaring hindi na lagyan nito.

 

Mga Sangkap: (para sa 3 tao)

300 gms. Karneng Baka ( manipis na hiwa )

1 pc. Malaking Dilaw na Sibuyas ( 2 pcs. kung maliit)

1 pk. Ito Konyaku 

 

f:id:crowbhabes:20181220093738j:image

 

Panimpla: 

5 tbsp. Toyo

5 tbsp. Asukal 

2 tbsp. Mirin 

2 tbsp. Osake 

1/2 tbsp. Dashi Powder

300 ml. Tubig 

 

1tbsp. Mantika

5 gms. Atsarang Luya (pula) optional 

 

Pagsamahin ang panimpla maliban sa tubig at mantika.

f:id:crowbhabes:20181220094440j:image

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Pakuluan ang ito konyaku sa loob ng 1 minuto. Hanguin sa apoy, salain at putulin sa 3.

2.) Balatan at hiwain ang Sibuyas.

3.) Kung mahaba ang nabili nyong karneng baka ay putulin ito ayon sa gusto nyong haba.

4.) Igisa ang sibuyas sa mantika.

 

f:id:crowbhabes:20181220095119j:image

 

5.) Isama ang pinagsama-samang panimpla. Sa huli ay ilagay ang tubig at pakuluin. Kapag kumulo na ay ilagay na ang karneng baka at ito konyaku  Bantayan ang unang kulo at alisin ang lalabas na bula sa ibabaw. Pakuluan sa loob ng 10 minutos.

 

f:id:crowbhabes:20181220100704j:image

 

6.) Hangujn sa apoy.

7.) Maglagay ng kanin sa malaking mangkok. Ilagay ang karne sa ibabaw at buhusan ng sabaw. Kung kumakain kayo ng atsarang luya ay pwede nyo itong lagyan sa ibabaw, kung hindi naman ay okey lang na hindi na lagyan ng atsarang luya.

 

NOTE:

Kung kumakain kayo ng hilaw na itlog ay maaari nyo itong lagyan sa ibabaw. 

Pork steak

f:id:crowbhabes:20181219115905j:image

Pork steak ng Japan. Isa sa mga paboritong baon sa school ng anak ko.

 

Mga Sangkap: (para sa 3 tao)

3 pcs. Pork Chop 

1/2 pc. Carrot 

1/2 pc. Paprika  o bell pepper 

1/8 pc. Pumpkin 

10 pcs. Baguio Beans 

1 pc. Eringi Mushroom (o kung ano man yong paborito nyong mushroom)

 

f:id:crowbhabes:20181219121836j:image

 

Magic Salt ( kung hindi kayo sanay sa lasa ng herb ng magic salt ay pwede rin ang salt and pepper)

1tbsp. Toyo

2 tbsp. Olive Oil

3 tbsp. Flour 

 

Optional:

3 pcs. Tomatoes

1pc. Lettuce ( hatiin sa 3)

Lemon

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Lagyan ng hiwa ang litid ng pork chop sa bandang gilid na may taba, para hindi lumiit o bumaluktot ang karne habang pinipirito ( gayahin ang nasa pic). Lagyan ng magic salt o salt and pepper.

 

f:id:crowbhabes:20181219122510j:image

 

2.) Balutin ng flour ang pork chop. Alisin ang sobrang flour.

 

f:id:crowbhabes:20181219122835j:image

 

3.) Igisa sa olive oil ang mga gulay. Timplahan ng magic salt o salt & pepper.

 

f:id:crowbhabes:20181219123048j:image

 

4.) Hanguin ang gulay dagdagan ng 1tbsp. olive oil at ipirito naman ang pork chop  baliktaran sa  katamtamang apoy para hindi ito masunog.

 

5.) Kapag luto  na ang pork chop ay timplahan ito ng 1 tbsp. Timplahan ng toyo. Baliktarin para malagyan ng timpla magkabila. Kapag lumapot na ang toyo ay hanguin sa apoy. 

 

6.) Ilagay sa plato kasama ang tomato, lettuce at lemon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teriyaking Labanos at Baboy

f:id:crowbhabes:20181218175231j:image

Mas madaling lutuin kung palalambutin muna ang labanos sa microwave oven. Mas maganda kung malakas ang apoy at mabilis ang pagkakagisa nito.  

 

Mga Sangkap: ( para sa 3 tao)

150 gms. Labanos

100 gms. Karneng Baboy (manipis na hiwa)

1 tbsp. Osake

1/2 tbsp. Dashi Powder

2 tbsp. Mirin

1 tbsp. Asukal

2 tbsp. Toyo

1 tbsp. Mantika 

1 tsp. Linga

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Hugasan at hiwain ang labanos.

 

f:id:crowbhabes:20181218180127j:image

 

2.) Ilagay sa Pyrex o lalagyang pwedeng isalang sa microwave oven. Takpan, sa pagtatakip ay lagyan ng kaunting siwang para hindi pumutok ang plastic wrap.

 

f:id:crowbhabes:20181218180341j:image

 

3.) Isalang sa microwave oven. 600 W sa loob ng 5 minutos. Kung wala kayong microwave oven ay maaari ding direkta nang igisa. Medyo hahabaan lang ang oras ng paggigisa nito.

 

f:id:crowbhabes:20181218181202j:image

 

4.) Igisa ang baboy sa mantika.

 

f:id:crowbhabes:20181218181423j:image

 

5.) Isama ang pinalambot sa microwave oven na labanos. Igisa ng mga 2 minutos.

6.) Timplahan ng osake, mirin, asukal, toyo at isama na rin ang dashi powder.

7.) Lakasan ang apoy at igisa hanggang lumapot ang sabaw.

f:id:crowbhabes:20181218182039j:image

8.) Patayin ang apoy. Ilagay sa plato at lagyan ng linga sa ibabaw.

 

 

 

Inihaw na Isda sa Palara ( foil )

f:id:crowbhabes:20181215114933j:plain Madaling lutuin, masustansya at masarap. Gagamit tayo dito ng isdang Tara ( codfish or bakalaw ). Pwede rin ang Salmon, depende kung ano yong nasa ref ninyo. Madali po itong lutuin dahil sa microwave oven natin ito isasalang. Kung sakaling wala kayong microwave oven pwede rin itong lutuin sa kawali sa mahinang apoy sa loob ng 20 minutos.

 

Mga Sangkap:

3pcs. Tara

Paminta at Asin

f:id:crowbhabes:20181215115739j:plain

1 pk. Shimeji mushrooms

1/2 pk. Enoki mushrooms

1 Sibuyas

1/3 Carrot

 

f:id:crowbhabes:20181215121706j:plain

3 tbsp. Osake

10 gms. Butter (x3)

 

Paraan ng Pagluluto:

1.) Hugasan at hiwain ang mga gulay katulad ng nasa pic. f:id:crowbhabes:20181215121346j:plain

 

2.) Ilatag sa foil ang sibuyas isunod ang isda, buhusan ng 1 tbsp osake. Isama ang iba pang gulay. Saka Ilagay ang 10 gms na butter sa ibabaw nito.

f:id:crowbhabes:20181215122654j:plain

 

3.) Gayahin ang paraang nasa picture kung papaano itong isara.

 

f:id:crowbhabes:20181215123011j:plain f:id:crowbhabes:20181215123102j:plain

4.) Isalang sa microwave oven. Iset sa250° C( init ng oven )sa loob ng 25 minutos. Hindi kailangang painitin ang oven (preheat).

f:id:crowbhabes:20181215124440j:plain

 

f:id:crowbhabes:20181216071420j:image

 

5.) Palamigin ng kaunti bago hanguin sa plato at buksan, baka kayo ay mapaso. Ang karaniwang sawsawan nito ay Ajipong, pero kung mas gusto ninyo ang toyo at lemon pwede rin.

Hakusai to Buta Niku no Kasane Mushi

Steamed Chinese Pechay at Karneng Baboy f:id:crowbhabes:20181215105148j:plain Mga Sangkap: 1/2 Chinese Pechay

300 gms. Karneng Baboy ( manipis ang pagkahiwa) f:id:crowbhabes:20181215105559j:plain

3 tbsp. Osake

Paminta at Asin

50 cc Dashi

(kung hindi ninyo gusto ang lasa ng dashi ay pwede hindi na lagyan)

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Hugasan ang Chinese Pechay.

2.) Isa-isahing Isingit ang karneng baboy sa pagitan ng Chinese Pechay, katulad ng nasa picture.

 

f:id:crowbhabes:20181215110634j:image

 

3.) Putulin ng 5 cm ang haba.

 

f:id:crowbhabes:20181215110744j:image

 

4.) Ilagay sa wok o di kaya ay sa clay pot, kung walang clay pot pwede rin sa malaking sauce pan or kawali.

 

f:id:crowbhabes:20181215110931j:image

 

5.) Ibuhos sa ibabaw ang osake at dashi ( dashi ay optional). Lagyan din ng paminta at asin.

6.) Isalang sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto.

7.) Ihain Kasama ang sawsawang Aji pong, pwede rin ang toyo at lemon depende sa gusto nyong lasa.

 

 

 

 

 

Ginisang Labanos at Chicken

f:id:crowbhabes:20181210094743j:plain

 

 

Mga sangkap:

200gms. Labanos (hiwain ng medyo manipis para madaling maluto.

 

f:id:crowbhabes:20181210100308j:plain

 

300gms. Chicken ( bandang hita, boneless ) hiwain ng bite size

 

f:id:crowbhabes:20181210100503j:plain

 

1 tbsp. Osake

1 tbsp. Mirin

1 tbsp. Soy Sauce

1/2 tbsp. Sugar

1 tsp. Sesame Oil

 

 Paraan ng Pagluto:

 

1. ) Igisa sa sesame oil ang labanos hanggang maluto ( half cook)

2. ) Isama ang chicken at igisa. (half cook din)

3.)  Timplahan ng osake, mirin, soy sauce at sugar.

4.). Haluin paminsan hangang lumapot ang sabaw. 

5.) Hanguin sa apoy.

 

 

Note: 

Pwede nyong lakihan ang hiwa depende sa gusto nyo. Kaya lang manipis ang ginawa kong hiwa dahil mas madaling maluto ang labanos.

 

 

日本料理をタガログ語で🍙

Lutong Hapon sa Wikang                      Tagalog🍱

 

こんにちは、今日から日本の一般的な家庭料理をタガログ語でこのブログに公開します。国際結婚している皆さんや、仕事で日本に来ているフィリピン人の皆さんに役立てればいいなぁ〜と思い、このブログを始めました。

 

私もフィリピンで知り合った日本人男性と結婚しています。30年前、結婚してから日本に来ました。国際結婚で、一番難しいのは言葉の壁と言いますが私にとってそれ以上に難しいかったのが毎日のご飯作りでした。子供が生まれる前はなんとか誤魔化しが効きましたが、家族が増えてからはそう言う訳にはいけませんでした。まして日本人として子供を育てなきゃいけないので、学校に行け出す前に日本食に慣れないと学校の給食を食べられないと言う問題が出てきます。学校側にとってもお母さんにとっても大問題です。子供が生まれてから私の台所での自分との戦いがはじまりました。料理本とか雑誌、テレビで公開されている日本料理の全てが日本語でしかないのです。夫は料理の出来ない人で、タガログ語も英語も喋れない人だから当てにならないし...自分でなんとかするしかなかったのです。多くの失敗から学べながら今にいたったのです。

 

私なりの30年間毎日3食のご飯作りの経験をここで活かしたいと思います。皆さんに役立てれば幸いです。

 

Magandang hapon sa inyong lahat. Nais kong makatulong sa mga nahihirapang magluto ng mga lutong hapon, lalo na sa mga bagong dating dito sa Japan.30 years na akong nakatira dito sa Japan. Nakapag-asawa ako ng Hapones na nakilala ko noon sa Pilipinas 30 years ago. Sa paninirahan ko dito ay ang pagluluto ng pagkain para sa mga kasambahay kong Hapones 3 beses sa 1 araw ang masasabi kong pinakamahirap na gawaing bahay, lalo na katulad ko may mga anak ako. Kailangan kasi bago pa pumasok sa kindergarten ang bata ay masanay na ito sa pagkain ng lutong Hapon dahil mahihirapan ang batang kainin ang school lunch kung hindi sanay sa mga pagkain o lutong Hapon.

 

Sisikapin kong makapag post ng mga lutong bahay ng Japan sa wikang Tagalog. Uunahin ko yong mga mga pangkaraniwan at madaling  lutuin.

 

Ipagpaumanhin ninyo kung medyo pilipit na ang Tagalog ko😊

 

 

 

Isa sa mga paborito ko ang “Kabocha no Nimono”

Ang Ibig sabihin ng “kabocha” ay kalabasa at ang “nimono” naman ay nilaga.

 

Kabocha no Nimono

Mga sangkap:

1/4 kabasa (hiwain ng bite size)

f:id:crowbhabes:20181205145707j:image

 

1 tbsp. Toyo

1tbsp. Osake 

1tbsp. Mirin

 

Paraan ng pagluluto:

1.) Hugasan at hiwain ang kalabasa ( bite size)

2.) Ilagay sa stainless saucepan 

3.) Isama ang toyo, osake mirin.

4.) Isalang sa pinakamahinang apoy hangang sa 

     maiga sa loob ng 10 minuto. Bantayan at haluin  

     para hindi ito masunog.

5.) Kapag naiga na ay haluing ng dahan-dahan lang 

      para hindi madurog. Patayin ang apoy at ilagay 

      plato. 

f:id:crowbhabes:20181205145751j:image

 

Note:

Masarap itong kainin habang mainit pa. Ang masarap na kapartner nito ay inihaw o di kaya ay piniritong isda.

 

その買うを、もっとハッピーに。ハピタス https://m.hapitas.jp/register?i=21660023&route=blog