GYUDON (牛丼)
Para sa mahilig mag Yoshinoya!! Napakadaling lutuin!
Gagamit tayo dito ng “Ito Konyaku” O di kaya ay “Shirataki”. Kung hindi nyo gusto ang lasa nito ay maaaring hindi na lagyan nito.
Mga Sangkap: (para sa 3 tao)
300 gms. Karneng Baka ( manipis na hiwa )
1 pc. Malaking Dilaw na Sibuyas ( 2 pcs. kung maliit)
1 pk. Ito Konyaku
Panimpla:
5 tbsp. Toyo
5 tbsp. Asukal
2 tbsp. Mirin
2 tbsp. Osake
1/2 tbsp. Dashi Powder
300 ml. Tubig
1tbsp. Mantika
5 gms. Atsarang Luya (pula) optional
Pagsamahin ang panimpla maliban sa tubig at mantika.
Paraan ng Pagluluto:
1.) Pakuluan ang ito konyaku sa loob ng 1 minuto. Hanguin sa apoy, salain at putulin sa 3.
2.) Balatan at hiwain ang Sibuyas.
3.) Kung mahaba ang nabili nyong karneng baka ay putulin ito ayon sa gusto nyong haba.
4.) Igisa ang sibuyas sa mantika.
5.) Isama ang pinagsama-samang panimpla. Sa huli ay ilagay ang tubig at pakuluin. Kapag kumulo na ay ilagay na ang karneng baka at ito konyaku Bantayan ang unang kulo at alisin ang lalabas na bula sa ibabaw. Pakuluan sa loob ng 10 minutos.
6.) Hangujn sa apoy.
7.) Maglagay ng kanin sa malaking mangkok. Ilagay ang karne sa ibabaw at buhusan ng sabaw. Kung kumakain kayo ng atsarang luya ay pwede nyo itong lagyan sa ibabaw, kung hindi naman ay okey lang na hindi na lagyan ng atsarang luya.
NOTE:
Kung kumakain kayo ng hilaw na itlog ay maaari nyo itong lagyan sa ibabaw.