crowbhabesのブログ

日本の一般的な家庭料理をタガログで分かりやすく紹介します。

Pork steak

f:id:crowbhabes:20181219115905j:image

Pork steak ng Japan. Isa sa mga paboritong baon sa school ng anak ko.

 

Mga Sangkap: (para sa 3 tao)

3 pcs. Pork Chop 

1/2 pc. Carrot 

1/2 pc. Paprika  o bell pepper 

1/8 pc. Pumpkin 

10 pcs. Baguio Beans 

1 pc. Eringi Mushroom (o kung ano man yong paborito nyong mushroom)

 

f:id:crowbhabes:20181219121836j:image

 

Magic Salt ( kung hindi kayo sanay sa lasa ng herb ng magic salt ay pwede rin ang salt and pepper)

1tbsp. Toyo

2 tbsp. Olive Oil

3 tbsp. Flour 

 

Optional:

3 pcs. Tomatoes

1pc. Lettuce ( hatiin sa 3)

Lemon

 

Paraan ng Pagluluto:

 

1.) Lagyan ng hiwa ang litid ng pork chop sa bandang gilid na may taba, para hindi lumiit o bumaluktot ang karne habang pinipirito ( gayahin ang nasa pic). Lagyan ng magic salt o salt and pepper.

 

f:id:crowbhabes:20181219122510j:image

 

2.) Balutin ng flour ang pork chop. Alisin ang sobrang flour.

 

f:id:crowbhabes:20181219122835j:image

 

3.) Igisa sa olive oil ang mga gulay. Timplahan ng magic salt o salt & pepper.

 

f:id:crowbhabes:20181219123048j:image

 

4.) Hanguin ang gulay dagdagan ng 1tbsp. olive oil at ipirito naman ang pork chop  baliktaran sa  katamtamang apoy para hindi ito masunog.

 

5.) Kapag luto  na ang pork chop ay timplahan ito ng 1 tbsp. Timplahan ng toyo. Baliktarin para malagyan ng timpla magkabila. Kapag lumapot na ang toyo ay hanguin sa apoy. 

 

6.) Ilagay sa plato kasama ang tomato, lettuce at lemon.